Himig ng pag-ibig, aking inaawit
Alay lamang sa Iyo
Tibok ng aking puso
Tanging Ikaw lamang
Wala ng ibang gusto
Nais kong malunod sa Iyong pag-ibig
Araw at gabi nais Kang makapiling
Boses Mo’y hinahanap ko
Araw man ay lumipas
Pag-ibig Mo ay walang kupas
Nanatiling tapat at totoo
Hindi ka magbabago
Magunaw pa man ang mundo
Ikaw ay mananatiling Ikaw
Hindi ako mabubuhay kung wala Ka
Ikaw ang hangin na aking hinihinga